Default Thumbnail

Ang dahilan

August 22, 2023 Tess Lapuz-Lardizabal 223 views

Tess LardizabalNASA 30 taon ang tinakbo ng legal battle sa pagitan ng Taguig at Makati, mula sa Regional Trial Court, Court of Appeals hanggang sa Korte Suprema.

Ayon sa isang prosecutor at blogger, kung hindi na sana inakyat ng Makati City ang usapin sa Korte Suprema ay nahinto na ang usaping legal, marahil nasa kanila pa rin ang Embo Barangays habang nanatili na lamang sa Taguig ang pinag-aagawang Bonifacio Global City (BGC).

Sinabi ni Atty. Darwin Canete, prosecutor at kilalang blogger, sa kanyang Facebook post na hindi lamang ang 240 hectare na military reservation ng Fort Bonifacio kung saan naroon ang BGC ang nakuha ng Taguig kundi maging ang Enlisted Men Barrio (EMBO) na kinabibilangan ng Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo, Pitogo, Rizal, Post Proper Northside at Post Proper Southside, na ang kabuuan ay nasa 729-hectares.

Noong 1993 ay naghain ng petisyon ang lokal na pamahalaan ng Taguig sa Pasig City Regional Trial –ang Civil Case No. 63896 na “Judicial Confirmation of the Territory and Boundary Limits of [Taguig] and Declaration of the Unconstitutionality and Nullity of Certain Provisions of Presidential Proclamations 2475 and 518, with Prayer for Writ of Preliminary Injunction and Temporary Restraining Order.”

Nanalo ang Taguig sa RTC noong 2011. Inakyat ang apela sa Court of Appeals at noong 2013 ay nanalo naman ang Makati.

Dito na nagsimula ang word war sa pagitan ng dalawang malaking lungsod.

Hindi na bago sa lahat na noong nakaraang taon ay itinakda ng katas taasang hukuman ang final and executory decision sa dispute, nanalo ang Taguig.

Ang ginagawang hakbang ng Taguig na pagtake over ngayon sa EMBO barangays ay alinsunod lamang sa utos ng SC makalipas ang 30 taon.

Mismong mga ahensiya ng gobyero tulad ng Department of Education, Department of Interior and Local Government, Department of Budget and Management, Philippine National Police, Department of Health ay sumusunod na sa desisyon ng Korte Suprema at inililipat na ang kanilang mga operasyon papuntang Taguig. Ganun di ang Commission on Elections na nagnahahanda na pag lipat ng mga botante tungo sa Taguig para sa nalalapit na Barangay at SK elections.