Alden

Alden, trending sa 11th anniversary

December 8, 2021 People's Tonight 528 views

ELEVEN years na si Alden Richards sa showbiz.

Sa kanyang Instagram, pinasalamatan ni Alden ang lahat ng mga naging bahagi ng kanyang makulay na journey sa showbiz.

Parte ng caption niya sa picture sa IG, “Maraming maraming salamat. Here’s to more years and beyond!”

Kaya naman sa Twitter, trending ang hashtag na #AldenRichards.

Magbabakasyon muna sa Amerika si Alden ngayong Pasko at Bagong Taon at doon na rin siya magbi-birthday.

Sa January 30 naman, handog niya sa lahat ng docu-concert niyang ForwARd na ang proceeds ay para sa kanyang bagong tatag na AR Foundation.

Ang AR Foundation ang sumusuporta sa scholars ni Alden.

RitkenBONGGANG CO-STARS

BONGGA rin ang co-stars nina Ken Chan at Rita Daniella sa filmfest movie ng Heaven’s Best Enetertainment na Huling Tag-Araw sa Tag-ulan na sina Lotlot de Leon at Richard Yap.

Isang seminarista sa movie si Ken habang bar girl naman ang papel na ginagampanan ni Rita.

Doon magsisimula ang kumplikado nilang pagmamahalan.

Ang Huling Tag-Araw sa Tag-ulan ay mula sa direksiyon ni Joel Lamangan. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE