Default Thumbnail

ACT-CIS saludo kay Sen. Go

October 31, 2021 People's Tonight 193 views

SALUDO ang ACT-CIS sa patuloy na pagtulong ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go sa mga mahihirap at mga nasalanta ng mga bagyo at nasunugan.

Sa isang press statement, sinabi ni ACT-CIS Cong. Eric Yap, ” ito ang politiko na tinupad ang kanyang pangako kahit na tapos na ang eleksiyon.”

“Senador na siya pero panay ang tulong sa mga mahihirap at mga may sakit, may senador ka na ba na nakita na ganun?” Ani Cong. Yap.

Dagdag pa ni Yap, “siya lang yata ang opisyal, bukod sa pangulo, na kapag dumating sa lugar ng sunog o kalamidad, ay napapasaya niya ang mga tao.”

Tulad ni Sen.Go, ang ACT-CIS ay hindi rin tumigil sa pagtulong sa mga kapuspalad na mga kababayan sa kanilang buong termino.

Sa oras ng pangangailangan lalo na ngayon pandemya ay tuloy-tuloy ang pagtulong ng ACT-CIS sa iba’t-ibang panig ng bansa sa mga NGOs at private sector.

AUTHOR PROFILE