Default Thumbnail

Abalos pinuri PNP, CIDG sa kampanya kontra loose firearms

March 22, 2023 Jun I. Legaspi 236 views

PINAPURIHAN ngayon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos, Jr. ang Philippine National Police (PNP) kasama na ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pagkumpiska ng 84 loose firearms pati mga ammunition mula sa tahanan ng isang pinaghihinalaang miyembro ng “Taiwanese crime syndicate” sa Makati City kamakailan.

“I extend the commendation of President Ferdinand R. Marcos, Jr. to the PNP under PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. and CIDG headed by Police Brigadier General Romeo Caramat, Jr. for the strong manifestation of keen responsiveness to this priority action of government to take away all instruments of crime, violence, and oppression from unauthorized individuals,” ani Abalos.

Ayon sa Kalihim, ang operasyon ay pinangunahan ng CIDG sa bisa ng search warrant sa tahanan ni Jiang Zhang Xiadong a.k.a. “Liu Ming Chung” na diumano’y sangkot sa iba’t-ibang criminal operations tulad ng illegal narcotics at telecom fraud operations.

Kasama sa nakumpiska ay 13 rifles, pitong submachine guns, 65 handguns, mga ammunition at iba pang gun accessories. Hindi naaresto sa operasyon si Xiadong.

Matatandaang nauna nang nag-issue ng Warrant of Deportation at Mission Order sa tatlong Taiwanese ang CIDG, Makati City Police Station, Bureau of Immigration (BI), at Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA) noong Marso 1 sa Makati City dahil sa impormasyon na binigay ng Taipei Economic and Cultural Office.

Arestado sa naturang operasyon sina Wu Jheng Long, Chen Chien-Ning, Yang Zong Bao, at Chen Chun-Yu na pawang mga pugante at undocumented aliens na sangkot sa mga krimen sa Taiwan at Pilipinas.

Kumpiskado mula sa kanila ang apat na pistola at isang submachine gun.

“Inatasan ko ang PNP alamin kung saan nanggaling ang mga nakumpiskang armas at isailalim ang mga ito sa ballistics test upang malaman kung ginamit ang mga ito sa iligal na gawain,” ani Abalos.

AUTHOR PROFILE