Default Thumbnail

Abalos pinuri Makati pulis, SPD sa mabilis na aksyon sa nawawalang bata

May 14, 2023 Jun I. Legaspi 209 views

NAGBIGAY-pugay si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. sa liderato ng Makati Police at Southern Police District (SPD) sa mabilis nitong pag-aksyon sa kaso ng nawalang 10-anyos na bata sa Makati City.

“Sa mabilisang aksyon ng Makati Police at Southern Police District, sa pangunguna ni PBGen Kirby John Kraft at ng duty investigators na sina PSSg Benjamin Ian Gran at PEMS Dominador Robles, natunton ang kinaroroonan ng nawawalang bata at ligtas na nabalik sa kanyang pamilya. Maraming salamat sa inyong agarang aksyon! Saludo tayo sa epektibo at maaasahang serbisyo ng ating kapulisan para sa ating mga mamamayan. Ito ang klase ng serbisyo publiko na kinakailangan upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating mga komunidad,” ani Abalos,

Ayon sa ulat ng SPD, nawala ang bata umaga ng May 10, 2023 sa Brgy. San Antonio, Makati City. Nakuhanan ng CCTV sa kanilang lugar ang paglabas ng bata sa kanilang bahay.

Agarang nagsagawa ng imbestigasyon mga ang awtoridad matapos humingi ng saklolo ang magulang ng bata.

Bandang 7:30 p.m. ay nakatanggap ang kaanak ng bata at ang kapulisan ng video mula sa isang concerned citizen hinggil sa kinaroroonan ng nawawalang paslit, na nag-udyok kay duty investigator PSSg Benjamin Ian Gran at PEMS Dominador Robles, na agad pumunta sa nasabing lokasyon.

Pagdating sa lugar bandang 8:30 p.m., nakita nila ang menor de edad na nasa mabuting kalagayan habang tinulungan ng babaeng concerned citizen na siyang nakipag-ugnayan sa kaanak ng bata.

AUTHOR PROFILE