Knife

Ama pinatay sa saksak ang ‘anak’

May 15, 2023 Melnie Ragasa-limena 220 views

NAHAHARAP sa kasong homicide ang isang construction worker matapos saksakin ng dalawang beses ang kaniyang stepson habang nag-iinuman nitong Linggo ng gabi sa lungsod Quezon.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Graciano Duromal, 68.

Si Duromal ang itinuturong sumaksak sa biktimang si Basilio Azores, 41.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente sa tapat ng bahay ng suspek sa Barangay Holy Spirit bandang 7:25 p.m.

Bago umano mangyari ang insidente ay nag iinuman ng alak ang suspek at ang kaniyang step son.

Nang kapwa lasing na ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa.

Sa gitna ng pagtatalo ay pinili ni Azores na umiwas. Papaalis na umano siya nang biglang saksakin ng kaniyang amain gamit ang isang kitchen knife.

Agad na dinala ang biktima sa isang hospital ngunit idineklara itong dead upon arrival.

Naaresto ang suspek sa follow up operation ng pulisya.