BBM

Abalos: PBBM ‘Bloodless drug war’ epektibo!

October 25, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 288 views
Abalos
DILG Secretary Benhur Abalos

P6.7B shabu nasamsam

MAKALIPAS ang ilang taon ng madugong kampanya ng nagdaang administrasyon laban sa ilegal na droga, nagkaroon ngayon ng pagbabago sa pamamalakad ng gobyerno ukol sa tuluyang pagsugpo sa talamak na droga sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ito ang tinuran ni DILG Secretary Benhur Abalos na nagsabing sa pagkakasamsam ng P6.7 billion na shabu sa unang tatlong buwan ng Marcos administrasyon na walang dumanak ng dugo, napatunanyan nito na epetktibo ang ginagawang bloodless war ng Pangulong Marcos sa laban kontra droga.

Ang nasamsam na P6.7 billion na shabu ay tinuturing na pinakamalking drug haul sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ayon kay Abalos, nagkaroon ng bagong approach sa drug war kung saan, itinuon nila ang pagsugpo sa mga malalaking sindikato ng ilegal na droga sa bansa at hindi sa mga pipitsugin lamang.

Matatandaan na kamakailan lamang ay nakakumpiska ang mga awtoridad ng halos 990 kilograms ng hinihinalang shabu na may estimated value na mahigit P6.7 bilyon kasunod ng serye ng anti-drug operations sa Maynila.

Dito naaresto ang mga suspek na sina Ney Saligumba Atadero, 50-anyos; at Police Master Sergeant Rodolfo Mayo, may-ari ng lending firm na Wealth and Personal Development Lending Inc. sa Sta. Cruz, Maynila kung saan nasamsam ang bultu-bultong droga.

Naaresto rin si Juden Francisco at 7 pa sa Pasig City. Ayon sa police records, isang intelligence officer sa PNP Drug Enforcement Group si Mayo. Maging sa unang buwan ng administrasyong Marcos, nakapagtala ang PNP ng kabuuang P1.95 billion halaga ng illegal drugs na kanilang nasamsam. Kabilang na rito ang 202.38 kilo ng shabu; 365.4 kilo ng dried marijuana leaves; mahigit 2.6 milyong piraso ng fully grown marijuana plants, at 37.57 gramo ng kush o high-grade marijuana.

May kabuuang 12,309 sting at search warrant operations na nagresulta ng pag-aresto sa 14,737 suspects. Sakop nito ang unang 17 araw ng Setyembre kung saan naitala ng PNP ang zero deaths sa pagsasagawa ng 1,790 na operasyon. At base sa naging ulat, hindi kinukunsinti ng gobyerno ang extrajudicial killings, partikular sa mga drug offenders.

“Arrests were made, but nobody was hurt in this classic, by-the-book police operation,” wika ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. ukol sa operasyon.

Ipinangako Abalos na ipagpapatuloy niya sa ilalami ng Marcos administrasyon ang drug war ngunit sa ibang paraan at walang dadanak na dugo ngunit sesentro sa paghuli sa mga big fish na drug dealers.

AUTHOR PROFILE