
Senglot nalunod sa sapa
NALUNOD ang isang lasing na lalaki kamakailan habang naliligo sa sapa sa Brgy. Mojon Tampoy, San Jose, Batangas, ayon sa report.
Trabahador at residente ng Purok 1, Mojon Tampoy, San Jose ang 32-anyos na biktima.
Base sa imbestigasyon, nagtungo umano sa sapa alas-11:30 ng umaga ang biktima kasama ang kanyang limang kaibigan. Pagdating sa lugar, kaagad nag-inuman ang grupo habang naliligo saka umuwi pagkatapos.
Dahil sa kalasingan, hindi alam ng mga kaibigan na naiwan ang biktima sa sapa. Natuklasan ang wala nang buhay na katawan ng biktima na lumulutang.
Ayon sa mga kaanak ng biktima, nagsagawa na ng rescue operation para sa biktima na nagresulta sa pagkakadiskubre sa kanyang bangkay.