Vice Larawan mula sa IG/@praybeytbenjamain

Vice Ganda binasbasan papalit sa It’s Showtime

October 14, 2023 People's Tonight 399 views

NAGPAKITA ng kanyang suporta ang Box-office Superstar na si Vice Ganda sa programang papalit pansamantala sa noontime show na “It’s Showtime.”

Sa kanyang Instagram story nitong Biyernes, Oktubre 13, ibinahagi ng Unkabogable Star ang isang larawan kung saan kasama niya ang main host ng “It’s Your Lucky Day” na siyang panandaliang papalit sa timeslot ng nasabing noontime show.

“It’s your LUCKY day! @luckymanzano,” sey ni Vice sa caption ng IG story.

Ang “It’s Your Lucky Day” ay tatagal ng dalawang linggo at magbabalik naman ang “It’s Showtime” ay magbabalik naman sa Oktubre 28.

Makakasama ni Luis sa “It’s Your Lucky Day” sina Melai Cantiveros, Shaina Magdayao, Jennica Garcia, Seth, Francine, Long, Negi, Petit at Tetay.

Samantala, nagbahagi naman ng mensahe ang isa pang host ng “It’s Showtime” na si Vhong Navarro sa huling araw ng programa bago ang 12-day suspension nito.

“Madlang people, we’ll be right back. Mami-miss namin kayo, pero mabilis lang ‘yan. Kaya magkita-kita tayo muli,” saad ni Vhong.

AUTHOR PROFILE