
Ate Shawie humagulgol nang ma-meet fave K-pop idol
HINDI napigilang bumuhos ng emosyon ni Megastar Sharon Cuneta matapos niyang ma-meet ang K-pop superstar na si Taemin, miyembro ng South Korean boy group na SHINee nitong Biyernes, Oktubre 13 sa isang concert sa Manila.
Ibinahagi ni Ate Shawie sa kanyang Instagram page ang kanyang fangirl moments sa pinuntahang concert.
Sa isang larawan ay makikitang umiiyak si Megastar habang nakasalampak sa sahig. Sey niya ay hindi niya raw kinakaya ang mga pangyayari.
Dagdag pa niya ay hindi niya inaasahang makikita ang K-pop superstar nang malapitan at magkakaroon ng solo moments kasama ito.
“After meeting Taemin. Sige magtawa kayo!!! Di ko kinakaya itoooooo!!! So unexpected!!! I didn’t even make a request but God was watching me!!! In two weeks ako naman sa MOA ngeeeee!!!” pahayag ng singer-actress.
Nagpaabot din ng pasasalamat kay Taemin si Megastar sa caption ng kanyang post at inilarawan po ang pagtatagpo nila ng idolo.
“Thank you so much Taeminssi! You are so nice and humble and more handsome in person! Like I promised, I will always pray for you! God bless you!” wika niya.
Matagal nang inamin ni Megastar na siya ay isang K-pop fan at isa sa mga kanyang iniidolo ay ang grupong SHINee kung saan kabilang si Taemin.