Default Thumbnail

5 patay sa diarrhea outbreak sa Caramoan

August 24, 2023 Zaida I. Delos Reyes 963 views

UMABOT na sa lima katao ang nasawi sa diarrhea outbreak sa isang Barangay sa Caramoan, Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma ng local government unit ng bayan ng Caramoan at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office .

Sa tala ng MDRRMO ang mga biktima ay mula sa Barangay Maligaya na siya ring may pinakamaraming bilang ng kaso ng diarrhea.

Paliwanag ng pamahalaang bayan ng Caramoan, ang outbreak ay posibleng dahil sa maruming pinagkukunan ng tubig at hindi maayos na palikuran.

Sa kasalukuyan, nagpa-abot na rin ng tulong pinansyal at mga gamot ang pamahalaang bayan sa Barangay na apektado ng diarrhea outbreak.