PAGASA

Goring posibleng ‘super typhoon’

August 24, 2023 Zaida I. Delos Reyes 311 views

POSIBLENG maging super typhoon ang tropical depression Goring dahil sa pagpapanatili nito ng lakas hanggang nitong umaga ng Huwebes.

Batay sa latest update ng PAGASA dakong 11 a.m. papasok na sa kategorya ng bagyo si Goring at posible rin itong maging super typhoon.

“While current intensity forecast indicate the progression towards typhoon category, the inherent volatility of attaining super typhoon category remains a possibility,” pahayag ng PAGASA.

Sa pagtataya ng PAGASA, posibleng pumasok sa storm category si Goring sa gabi ng Huwebes o Biyernes ng umaga at maging tuluyang bagyo sa Sabado.

Nitong Huwebes ng umaga, nanatili ang lakas ni Goring habang kumikilos pa- Hilaga sa karagatan ng silangan ng Basco , Batanes.

Namataan ang TD Goring sa 355 kilometro ng silangan, hilagang-silanga ng Calayan Cagayan o sa 300 kilometro ng silangan ng Basco Batanes.

Dala ni Goring ang lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras at pabugsong aabot sa 70 kilometro bawat oras habang kumikilos sa direksyon ng west northwestward sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Posibleng itaas ang tropical cyclone wind signals sa Northern Luzon sa Huwebes ng gabi hanggang Biyernes ng umaga.

“The current forecast scenario shows that hoisting of Tropical Cyclone Wind Signals over areas in Northern Luzon may begin tonight or tomorrow in anticipation of the onset of tropical cyclone severe winds,” pahayag ng PAGASA.

Nilinaw din ng PAGASA na posibleng mapa-aga ang pagtataas ng storm signal sa lugar kung magkakaroon ng pagbabago sa direksyon ng bagyo.

“However, the hoisting may happen earlier should there be changes in the forecast scenario,” paliwanag ng PAGASA.