Default Thumbnail

5 kalaboso sa magkahiwalay na Sta. Ana buy-busts

February 9, 2023 Jonjon Reyes 295 views

MAGKASUNOD na oras ang ikinasang buy-bust operation ng District Drug Enforcement  Unit (DDEU) at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District (MPD), Sta. Ana Police Station 6, madaling araw nitong Huwebes sa Tondo at Sta. Ana, Maynila.

Unang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Jorge Meneses ng DDEU, pasado alas 12:21 ng madaling araw, kung saan natimbog ang tatlong sangkot sa bentahan ng ilegal na droga sa panulukan ng Hermosa at Pilar Streets sa Tondo.

Ayon kay PSSgt. Arvin Lucky Elma, may hawak ng kaso, pinangunahan ni PMS Eric Guzman ang operasyon na kung saan narekober ang tatlong plastic sachets ng shabu na katumbas ng 3.80 gramo at may street value na P25,800.

Pasado alas 3:05 naman ng madaling araw, sa operasyong ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr. ng MPD Sta. Ana Police Station (PS) 6 at nalambat ang pangunahing suspek at dalawang kasabwat nito sa Bgy. 787 Zone 86 sa Sta. Ana.

Sasampahan ang mga suspek sa paglaba sa Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon, patuloy ang ang kanilang operasyon kontra ipinagbabawal na gamot sa Lungsod ng Maynila.

Pinuri nito si Mirando, hepe ng Sta. Ana PS 6 at Meneses, ng DDEU-MPD sa pinaigting na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO).

AUTHOR PROFILE