Pulis

453 Batangas police sumailalim sa physical test

February 22, 2024 Jojo C. Magsombol 70 views

NASA na 453 pulis ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang sumailalim sa physical fitness test (PFT) noong Peb. 20, 2024 sa Camp General Miguel Malvar sa Batangas City.

Sumailalim sa annual physical test ang mga pulis na ipinanganak sa buwan ng Enero at Pebrero, ayon kay Batangas police chief Col. Samson Belmonte.

Nagsimula ang test sa registration ganap na alas-4:00 ng umaga kung saan sinuri ang body mass index, presyon ng dugo, electrocardiogram (ECG) results, at medical history ng mga performers.

Matapos makapasa sa pagsusuri, pinag-push up, sit-up, 300-meter sprint at kilometer run na ang mga pulis. Dapat makakuha ng 70% grade sa bawat event ang mga pulis na nag-test para pumasa.

“Isinasagawa ng PNP ang PFT isang beses sa isang taon upang mapabuti at masigurado na ang pisikal na kalagayan ng mga miyembro ng PNP ay maayos at nasa kundisyon.

Makakaasa po kayo na mananatiling malakas at alisto ang ating kapulisan,” sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE