Marijuana

4 na kelot tiklo sa marijuana

October 29, 2023 Jonjon Reyes 247 views

SWAK sa selda ng Manila Police District-Plaza Miranda Police Community Precinct Station 3 ang apat na lalaki matapos matimbog sa checkpoint na may baong 9 na pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Quezon Boulevard, Quiapo, Manila noong Biyernes.

Nahuli ang apat nang halughugin ng mga pulis ang sinasakyan nilang silver na Honda CRV.

Batay sa ulat ni Police Captain Rowell Robles, hepe ng Plaza Miranda Police Community Precinct, kay Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, station commander, bandang 12:05 ng madaling araw nang maharang ang sinasakyan ng mga suspek sa naturang lugar.

Hindi nagtagal, nadiskubre ang mga pinatuyong marijuana sa loob ng sasakyan.

Dahil dito, agad na kinordonan ang area at hindi na nakatakas pa ang mga suspek. Nakumpiska sa kanila ang 9 na pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang apat na kelot.

AUTHOR PROFILE