Default Thumbnail

3 tiklo sa Sta. Ana drug bust

July 30, 2022 Jonjon Reyes 375 views

TATLONG indibidwal ang nalambat ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District (MPD) sa isang buy-bust operation sa San Andres Bukid, Maynila, Sabado ng madaling araw.

Ang mga suspek kabilang ang isang 35-anyos na dalaga ay pawang residente ng Sagrada Familia St. sa San Andres Bukid.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., station commander ng MPD Station 6, bandang 2:30 ng madaling araw nang ilatag ang operasyon laban sa target ng operasyon na si alyas “Tim”.

Nagtulong ang grupo ng SDEU sa ilalim ni P/Lt. Col. Mirando at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para isagawa ang buy-bust.

Naging matagumpay ang operasyon nang positibong tinanggap ni “Tim” ang marked money mula sa poseur buyer na operatiba saka ito inaresto kabilang ang dalawang kasamahan nito.

Narekober ang apat na plastic sachet ng shabu na tumitimbang sa halos mahigit kumulang sa dalawang gramo na may street value na P13,600, ayon kay P/Lt. Renato Ramento, hepe ng MPD-SDEU.

AUTHOR PROFILE