Isko Dumating si Manila Mayor Isko Moreno arrives sa Sta. Ana Hospital para tingnan ang vaccine storage facility. Kuha ni JERRY S. TAN

25 staff ni Isko COVID-positive

January 10, 2022 Jonjon Reyes 470 views

IBINALITA ni Manila Mayor at presidential bet Francisco “Isko Moreno”Domagoso , na ang kanyang 25 opisyal ay nagpositibo sa COVID 19.

Sanni nito, personal nitong ipinagmamaneho ang kanyang sarili para makapunta sa mga importanteng “functions”, gaya nang mag-isang pinuntahan ang Sta. Ana Hospital para bisitahin ang vaccine storage facility at alamin kina Director, Dr. Grace Padilla at Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan, kung gaano pa kadami ang natitirang vaccines para sa patuloy na mass vaccination program.

Ayon pa kay Moreno, sarado maging ang tanggapan ni Secretary Bernie Ang, kung saan karamihan ng kanyang paper ay delegated, dahil 22 sa personnel nito ang positibo sa COVID19.

Nadiskubre na maraming opisyal at empleyado ng Manila City Hall ang positibo sa virus matapos ang isinagawang routine antigen nitong unang Lunes ng Enero.

Inobliga ang mga empleyado na sumailalim kada linggo sa antigen at pagkatapos ay isasailalim sila sa confirmatory RT-PCR test.

Ilan din hospital directors at kanilang staff ay positibo sa virus,magjng ang head ng Manila Emergency Operations Center Dr. Ed Santos ay positibo pero sa kabila ng kanyang kalagayan ay patuloy pa rin nagagampanan ang kanyang tungkulin.

Nalaman din ni Moreno sa ulat ni Vice Mayor Honey Lacuna na malaking bilang ng health workers sa anim na hospital na pinatatakbo ng Maynila ang infected ng virus.

Inatasan naman ng alkalde ang mga heads ng iba’t ibang tanggapan na positibo sa virus patuloy na gampanan ang kanilang trabaho partikular na iyong sangkot sa basic services kahit na virtual.

Nalaman na sa Justice Abad Santos General Hospital, sinabi ni Director Dr. Merle Sacdalan na 124 sa 540 health workers ang positibo sa virus,habang 211 naman sa 735 hospital staff ni Dr.Ted Martin ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang may COVID19.

Naniniwala ito na ang Omicron variant ang nasa likod nang mabilis na hawaan ng virus.

Inatasan din nito , ang mga department heads na gawin na lamang 30% ang pumapasok na empleyado sa kanilang work place. Nina JON-JON C. REYES,ITCHIE CABAYAN & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE