Default Thumbnail

2023 collection target ng BOC nahigitan pa ng P10B

January 3, 2024 Vic Reyes 165 views

Vic ReyesKAGAYA ng inaasahan natin, hindi lang naabot kundi nalampasan pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang revenue collection target noong 2023.

Sa totoo lang, walang kaduda-dudang mahihigitan ng ahensya ang napakataas na 2023 assigned tax take na P901 bilyon.

Kasi nga naman ay nalalampasan ng mga taga-BOC, na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ang kanilang monthly collection target.

Ayon kay BOC Assistant Commissioner (ASEC) Vincent Philip Maronilla, nagkaroon pa ng collection surplus na P10 bilyon.

Isang abogado, si ASEC Maronilla ang siya ding tumatayong spokesperson ng BOC, na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF).

“Na-achieve namin ito through streamnlining of processes and improving our revenue efficiency,” sabi ni Maronilla.

Sinabi pa ni Maronilla na nagawa nila ito sa pamamagitan ng paghanap at pagtakip sa mga butas na kung saan tumatagas ang revenues.

Nandiyan rin ang kasipagan ng “men and women in customs uniform” hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong Pilipinas.

Hindi matatawaran ang kontribusyon ng mga opisyal at empleyado ng BOC.

Sa panawagan ni Pangulong Marcos, DOF Secretary Benjamin Diokno at Commissioner Rubio nagtrabaho ng husto ang lahat.

Dahil sa ipinakitang sipag at dedikasyon ng mga taga-BOC, naniniwala tayo na malalampasan din ng ahensya ang kanilang 2024 collection target.

Ayon sa mga paunang balita, naatasan ng gobyerno ang ahensya na mangolekta ng P1 trilyong buwis, taripa at iba pang charges sa taong ito.

Bago matapos ang taon, ay itinatakda ng Development Budget Coordinating Committee ang tax targets ng iba’t ibang opisina sa susunod na taon.

Ito ay ginagawa ng gobyerno para malaman kung magkano ang inaasahang papasok na pera sa kaban ng bansa.

****

Bago matapos ang taong 2023 ay may nasakote pang tatlong parcels na naglalaman ng shabu sa Port of Clark sa Pampanga.

Galing ng Estados Unidos, ang shipments ay naglalaman ng 14,944 grams ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit na P103 milyon.

Ang mga parcel na nanggaling ng Texas, Pennsylvania at Illinois, USA ay idineklarang naglalaman ng “brochures,” ayon sa Port of Clark.

Ang Bureau of Customs (BOC)-Port of Clark (POC) ay pinamumunuan ni District Collector Erastus Sandino Austria.

Pagkatapos na dumating sa POC noong Disyembre 18 ay idinaan ito sa x-ray screening at K9 sniffing.

Dito na minarkahan ang mga parcel ng “suspicious” kaya idinaan sila sa physical examination na nagresulta sa pagkakatuklas ng plastic pouches.

Ang pouches ay naglalaman ng white crystalline substances na nakumpirmang shabu pagkatapos na dumaan sa chemical laboratory analysis.

Ang laboratory analysis ay isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Kaagad na nag-isyu si District Collector Austria ng warrants of seizure and detention (WSD) laban sa tatlong shipments.

Another good job, mga bossing diyan sa Port of Clark.

***

Sa mga masugid nating readers, belated HAPPY NEW YEAR sa inyong lahat.

Asahan ninyo na nandito pa rin tayo para ihatid sa inyo ang mga balitang dapat nating malaman.

Sana naman, mananatili tayong malusog, masaya at punong-puno ng pag-asa ngayong 2024, na isang “leap year.”

Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE