TIMBOG Ang mga internet at television cables TIMBOG–Ang mga internet at television cables na na narekover sa mga suspek

2 suspek sa cable nenok huli

August 26, 2023 Jun I. Legaspi 258 views

DALAWANG suspek sa pagnanakaw ng internet cable ang naaresto ng Quezon City Police-Laloma Police Station noong Biyernes.

Kinilala ni Quezon City Police District Director Gen. Nicolas D. Torre III ang mga naaresto na sina Alexander Armas, 21, ng Stotsenberg, St., Barangay 70, Caloocan City at Christian Patungan, 31, ng 139 9th Avenue, Brgy., 63, Caloocan City.

Ayon kay Laloma Police Station chief Lt. Col. Ramil Avenido, nadakip ang mga suspek sa A. Bonifacio Avenue, corner P. Gonzales St., Brgy., Pag-Ibig sa Nayon, Quezon City, dakong 5:00 ng umaga

Nadaakip ang mga suspek sa tulong ng concerned citizen na tumawag sa QCitiizens Helpline 122 para isumbong ang nagaganap na nakawan

Matapos makuha ang inpormasyon, mabilis na kumilos ang mga tauhan ng QC-Laloma police at naaktuhan ang mga suspek habang nilalagare ang internet cable gamit ang steel saw.

Nakuha sa lugar ng nakawan ang 5 piraso ng 100 pares na wires  na nagkakahalaga ng P9,792.

AUTHOR PROFILE