Default Thumbnail

2 rider, 1 back ride sinalpok ng jeep, tigok

March 18, 2024 Dennis Abrina 113 views

TATLO ang patay at 15 ang malubhang nasugatan ng salpukin ng nag-overtake na jeep ang dalawang motor noong Linggo sa Brgy. Sapang 1, Maragondon, Cavite.

Nakilala ang dalawa sa mga biktima na si alyas Jun, 38, miyembro ng Philippine Marine, na sakay ng kanyang Suzuki Smash, at ang back ride ng isa pang motorsiklo na si alyas Teng, 40.

Patay din si alyas Gabriel, 54, isa pang rider, ng Brgy. Pinagsanhan B, Maragondon Cavite.

Hindi bababa sa 15 na sakay ng jeep ang sugatan at kasalukuyang inoobserbahan sa ospital kabilang ang driver na si Justin, 57.

Sa imbestigasyon ng lokal na pulisya, alas-6:45 ng gabi ng maganap ang insidente ng mag-overtake ang jeep at salpukin ang dalawang motor ng 3 biktima.

AUTHOR PROFILE