Rape MALAS–Nasa selda na ang mga naarestong suspek mula sa Muntinlupa at Port Area dahil sa kasong panghahalay. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 kelot wanted sa gahasa laglag sa Munti, Port Area

May 17, 2024 Jonjon Reyes 77 views

DALAWANG lalaki na pawang suspek sa panghahalay ang natiklo sa Muntinlupa City at Port Area, Maynila noong Huwebes.

Na-corner ang 37-anyos na si alyas Jay ng Calayan, Cagayan sa loob ng Bureau of Corrections sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Batay sa report nina Police Captain Abdurahman Abdula Jr., Police Captain Mel Soniega at Police Lieutenant Armando Dela Cruz, bandang alas-3:00 ng hapon ng isilbi ang arrest warrant kay alyas Jay.

Walang pyansang inirekomenda ang judge para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Samantala, bumiyahe mula pa sa Zamboanga ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Zamboanga Sibugay para tikluin si alyas Roel, 38, dahil sa kasong rape sa 12th St., Brgy. 650, Port Area, Maynila.

Nahuli ang suspek sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Ace Baybayan, hepe ng Delpan police station 12, matapos na makipag ugnayan ang pulisya at nagresulta sa pagkakatimbog sa binata.

AUTHOR PROFILE