Default Thumbnail

2 dedbol, 22 sugatan sa aksidente sa Batangas

April 1, 2024 Jojo C. Magsombol 121 views

DEDBOL kamakalawa ang driver at pasahero nang mawalan ng kontrol at bumangga ang kanilang sinasakyang Jitney sa barikada at puno sa Brgy. Malabrigo, Lobo, Batangas.

Kinilala ang mga namatay na si Alberto Urriza y Lubrin, 54, at Virgin Migo Litosquin, 52, ng San Pablo, Sto. Tomas, Batangas.

Lumabas sa imbestigasyon na alas-4:45 ng hapon ng dumadaan ang sasakyan ni Alberto Urriza Lubrin, 54, na Jitney (TDY 245) galing sa outing sa isang beach resort sa Brgy. Malabrigo, Lobo, Batangas nang mawalan ng kontrol at nagpagewang-gewang saka bumangga sa barikada ng kalsada at tuluyang bumangga sa isang puno.

Ayon sa mga pulis, 22 pang pasahero ang sugatan at isinugod sa mga pagamutan.

Mabilis na dinala ang mga sugatan sa mga ospital subalit si Uriza at si Migo ay kapwa idineklarang dead-on-arrival ni Dra. Mariel Revira.

AUTHOR PROFILE