Default Thumbnail

12 katao nalunod sa Calabarzon noong Good Friday, Black Saturday

April 9, 2023 Zaida I. Delos Reyes 369 views

UMAABOT sa 12 katao ang naiulat na nalunod nitong Good Friday at Black Saturday sa Batangas, Cavite at Quezon.

Sa ulat ng Batangas Police, anim na nagpi-picnic ang nilamon ng tubig habang naglalakad sa dagat dakong 3:00 nitong Sabado sa barangay Sambal Ilaya, Lemery.

Agad naman silang sinagip at dinala sa Bagangas Provincial Hospital subalit lima sa kanila ang iniulat na patay.

Kabilang sa mga biktima ang mga babaeng may edad na 11, 17, at 18 habang ang iba ay mga lalaki , isa sa mga ito ay 17-anyos at 23-anyos na si Mark John Espulgar,

Nakaligtas naman sa insidente si Danilo Tubal at ngayon ay nagpapagaling sa pagamutan.

Sa hiwalay na insidente, nalunod si Juanito Tiples, 61. Natagpuan ang kanyang bangkay na lumulutang sa mababang bahagi ng dagat sa Barangay Matingin, Lemery.

Sa Nasugbu, inagos ng malakas na agos ng tubig sa ilog ang biktimang si Rexie Detaonon,30, dakong 2 p.m. nitong April 7.

Sa Lian, Batangas, isang 17- anyos na lalaki ang nalunod sa beach resort sa Bgy. Lumaniag.

Sa lalawigan ng Quezon, naiulat ang pagkalunod nina Gelo Villarin at Erwin Dimaano. Si Villarin ay nalunod sa ilog sa Atimonan nitong Sabado habang si Dimaano ay unang naiulat na nawawala matapos na tingnan ang kanyang fish cage sa Barangay Lilig, Tiaong , Quezon.

Iniulat ng Calabarzon Lolice ang pagkalunod ni Jhon Aquiles Villena sa Calamba City, Laguna,

Nalunod din sa Naic, Cavite si Carl JM Dualan dakong 5:45 p.m. nitong Sabado.