Default Thumbnail

Yuka Saso pride ng Pinoy

June 19, 2021 Marlon Purification 580 views

Marlon PurificationISA pang maipagmamalaki ng Pilipino ngayon ang tagumpay ng golfer na si Yuka Saso sa U.S. Women’s Open Golf Championship.

Kaya naman hindi na nagpahuli si Senador Sonny Angara sa pagsusulong ng Senate Resolution No. 755, upang bigyang pugay at pagkilala ang tagumpay ng Japanese-Filipina athlete.

Sa kanyang resolusyon, sinabi ni Angara na maihahanay si Saso sa iba pang atletang Pinay na sina Hidilyn Diaz, na nag-uwi ng silver medal sa Rio Olympics at target ngayon ang panibagong medalya sa Tokyo Games; at si Alex Eala, na itinuturing bilang rising tennis star sa paggawa ng kanyang pangalan sa under-18 tournaments.

Inihalintulad din ni Angara ang 19-anyos na si Saso kay Korean Inbee Park, na nanalo noong 2008, at naging pinakabatang golfer sa U.S. Women’s Open.

“Now with Saso winning the U.S. Women’s Open, the whole world is now noticing the quality of athletes the Philippines is producing and I believe even more will emerge sooner than later,” diin ni Angara.

“Yuka is an inspiration to all Filipino golfers and will surely encourage more young girls and boys to take up the sport here in the country,” dagdag nito.

Nagpasalamat din si Angara na siyang namumuno ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, kay ICTSI tycoon Enrique Razon Jr. sa pagkakaloob ng suporta sa journey ni Saso sa golf stardom nito.

Pinasalamatan din ng mambabatas ang MVP Sports Foundation sa pamamagitan ni chairman Manny Pangilinan at president Al Panlilio dahil sa patuloy na development ng Philippine sports, kasama na ang golf sa pamamagitan ng National Golf Association of the Philippines.

“These are truly exciting times for Philippine sports. I salute Yuka for bringing so much honor and pride to the Philippines,” giit ng senador.

“Thanks to the feats of Saso and our Filipino athletes, our people have something to cheer for amid the pandemic,” diin pa nito.

Hindi talaga matatawaran ang galing ng mga atletang Pilipino na sumasabak sa mga international competition kaya naman dapat ang gobyerno ay patuloy ding linangin ang mga talento ng ating mga atleta na kinalaunan ay magiging kampeon sa buong mundo.

Ang inihaing panukala ni Angara upang dakilain ang kagalingan ni Saso ay malaking bagay hindi lamang para sa kanya kundi sa iba pang atleta.

Alam nating lahat na maraming pagkukulang ang pamahalaan upang tugunan ang sapat na suporta at pangangailangan ng ating mga batang atleta. Salamat at may Enrique Razon na tumulong noon pa kay Saso upang lalo itong mahasa sa golf.

Pero sa ibang sa ibang larangan ng sports, maraming nananabik na matulungan sila ng pamahalaan.

Kaya nga naisip ni Senador Sonny na kahit papel lamang ang isang Senate resolution, malaking tulong upang maitaas pa lalo ang moral ng ating mga atleta.

Na kahit may pandemya o wala — may tulong man ang pamahalaang nasyunal o wala – nananalantay pa rin sa dugo ng ating mga atleta ang pagiging makabayan. Na kahit salat sa suporta, puso ang kanilang puhunan upang mapagtagumpayan ang mundong kanilang ginagalawan.

Thanks Senator Sonny and congratulations uli kay Yuka Saso at sa kanyang pamilya! Tunay kang maipagmamalaki ng sambayanang Pilipino!