Chiz

Yes, it’s my vehicle and I’m sorry–Chiz

April 12, 2024 PS Jun M. Sarmiento 105 views

MATAPOS aminin na kanya ang luxury car na dumaan sa bus lane sa Edsa, humingi ng paumanhin si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa taumbayan at sa mga tinakasan nitong enforcers sa diumanoy pang-aabuso nito gamit ang kanyang sasakyan na may protocol plate no. 7.

Ayon kay Escudero, malaking abuso ang ginawa ng kanilang driver kamakailan lamang at inatasan niya na aniya itong managot sa batas ng ayon sa kanyang ginawang kasalanan.

“I apologize to the public and my colleagues in the Senate for this oversight. Moving forward, I commit to ensure that the protocol plates entrusted to me are used appropriately, consistent with the provisions of Executive Order No. 56, s. 2024,” ani Escudero.

Inamin niya na dapat managot sa batas ang driver dahil sa maling ginawa at sa malinaw na paglabag sa batas ang desisyon nito na dumaan sa bus special lane sa Edsa.

Isang luxury car na black Toyota Land Cruiser na pinahinto ng mga enforcers ng Dept. of Transportation’s Special Action and Intelligence Committee ang naturang sasakyan.

Nakuha ang car conduction sticker na Z4 T812, na isang protocol plate no. 7 na inisyu ng gobyerno sa miyembro ng Senado noon pang 19th Congress.

Pinuri ni Escudero ang paghuli sa kanilang family driver ng mga nasabing enforcers.