Dead

Welder dedbol sa bugbog nitong Pasko

December 27, 2023 Jonjon Reyes 244 views

DEAD on arrival pagamutan ang 33-anyos na welder na pinagtulungang bugbugin ng mga kamag-anak ng babae na binastos umano ng kainuman ng biktima nitong Pasko sa Sulucan Street, Sampaloc, Manila.

Nakilala ang biktimang si Molan Villamor, binata, ng Sulucan Street, Sampaloc.

Ang mga suspek ay naaresto sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng University Belt Area Police Community Precinct, sakop ng Manila Police Station 14.

Apat sa mga suspek ang natimbog. Dalawa ay nakilalang sina alyas Mar, 19, alyas Anne, 18, estudyante, Sila at ang dalawa pang suspek pawang mga residente ng Sampaloc.

Patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng mga otoridad sa natitira pang suspek na ayon sa kapulisan ay nakilala sa alyas Ambo.

Base sa ulat na isinumite ni Det.Irene Jay Manalili kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD, Homicide Section, bandang 4:48 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa naturang lugar

Lumitaw sa imbestigasyon ni Det. Manalili , may hawak ng kaso, habang nasa kasagsagan ng inuman ng biktima kasama ang ilan nitong kabarkada nang dumaan si Anne na may bibilhin sa tindahan. Isa umano sa kainuman ng biktima ang nambastos sa dalagita

Umuwi ang dalagita at nagsumbong ito sa kanyang mga kamag-anak

Sumugod ang mga suspek sa inuman.

Tumayo umano si Villamor para humingi ng dispensa, pero bigla itong sinuntok sa ulo , at sinundan pa ito ng mga suntok umano ni Mark hanggang bumagsak ang biktima sa semento

Patuloy umano binugbog ng mga suspek ang biktima.

Si Anne ay dumampot umano ng bote ng alak at tinangka nitong paluin ang biktima subalit hindi ito tinamaan. Pinagsisisipa na lamang nito si Villamor bago nag si uwian ang mga suspek

Isinugod ang biktima sa Sampaloc Hospital,subalit hindi na ito umabot ng buhay

Dahil dito, nahaharap sa kasong murder ang mga natimbog na suspek.

AUTHOR PROFILE