Vina papalitan si Lea sa Broadway play
TIYAK na malaki ang kinalaman ng Tony award-winning singer-actress na si Lea Salonga sa pagkakapasok ni Vina Morales sa Broadway debut nito sa “Here Lies Love” on Broadway in New York. Papalitan ni Vina si Lea playing the role of Aurora Aquino, the mother of the late Sen. Benigno Aquino.
Lea accepted the role for a limited engagement only (July 11 – August 19) dahil sisimulan naman niya ang kanyang bagong musical play in London, ang ”Stephen Sondheim’s Old Friends” at London’s Gielgud Theatre na magsisimula on September 11, 2023 where she co stars with Bernadette Peters.
Napaka-suwerte ni Vina who never had any experience in doing musical plays in the past pero Broadway kaagad ang kanyang pupuntahan.
Ang “Here Lies Love” ay binubuo ng all-Filipino cast. Ito’y kuwento ng buhay at pag-iibigan ng dating First Lady ng Pilipinas na si Imelda Romualdez Marcos at dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos, Sr.
Ang lead cast ay binubuo nina Arielle Jacobs, Jose Llana at Conrad Ricamora.
Ang “Here Lies Love” ay unang Broadway production na ginawa ni Lea playing actual Filipino character on Broadway. Other Broadway plays she did in the past include “Miss Saigon” (of which she is the original star both in West End at sa Broadway), “Flower Drum Song,” “Allegiance” at iba pa.
Ang pagkakaganap ni Lea as Kim in “Miss Saigon” brought her Tony’s Best Actress in a musical.
Ang Broadway sa New York ay same theater kung saan ipinalabas ang “Miss Saigon” mula 1991 to 2001.
Lea was not only part of “Here Lies Love” as performer kundi isa siya sa co-producers ng play kung saan ang iba pa ay pawang of Filipino descent tulad ng singer na si H.E.R., ang comedian na si Jokoy, si Allan Pineda or apl.de.ap ng Black Eyed Peas, among others.
Samantala, bakit kaya hindi kinunsider ang singer-actor na si Mark Bautista to play on Broadway version ng “Here Lies Love” samantalang siya ang gumanap sa papel ni dating Pres. Ferdinand Marcos sa West End version sa London nung 2014 maging sa Off-Broadway play nito in Seattle nung 2017?
Meanwhile, Vina flies to New York City para simulan ang rehearsal ng “Here Lies Love” at ang palabas on September 11.
Mixed emotions ang nararamdaman ngayon ni Vina sa pagkakapili sa kanya to perform on Broadway replacing award-winning Broadway Diva Lea Salonga na never sumagi in her wildest dreams.
Vina, who is Sharon Garcia Magdayao in real life, is turning 48 on October 17 kaya kinu-consider niyang blessing at advance birthday gift ang big project na ito.
Ogie, Manilyn at Michael V muling nagkasama-sama
NAKATUTUWANG panoorin sina Ogie Alcasid, Manilyn Reynes at Michael V. doing production numbers sa noontime program ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” nanapapanood on GTV, sister TV network ng GMA sa advance birthday celebration ni Ogie sa nasabing programa kung saan isa siya sa mga host.
Sina Ogie, Manilyn at Michael V. ay pare-parehong contract talents dati ng OctoArts na pinamumunuan ni Orly Ilacad kung saan nagsimula ang kanilang pagiging close sa isa’t isa.
Si Manilyn ay exclusive contract star dati ng Regal Films kung saan din nakagawa ng pelikulasina Ogie at Michael V.
Si Manilyn ay naging recording contract star ng OctoArts International where she recorded her signature hit na “Sayang na Sayang” habang sina Ogie at Michael V. ay nag-cross over sa recording at pagiging actor-comedians under OctoArts Films kung saan sila naging mag-best friends along with the late Francis M.
Gumawa rin ng movie sina Manilyn at Ogie sa Regal na silang dalawa ang magkapareha at may pagkakataon na na-link sila sa isa’t isa.
Si Janno Gibbs ang unang ka-loveteam ni Manilyn. Magkasama pa sila noon sa “That’s Entertainment” but she ended up marrying Aljon Jimenez na kasamahan din niya noon sa “That’s Entertainment”. Si Ogie naman ay pinakasalan ang Australian beauty queen nasi Michelle van Eimeren habang naging misis naman ni Michael V. ang kanyang longtime girlfriend na flight stewardess noon na si Carol with whom he has four children.
Si Michael V. who is Beethoven del Valle Bunagan in real life ay na-discover ng OctoArts sa “Eat Bulaga” kung saan ito sumali sa isang rap contest along with lady rapper na si Lady Diane. Isa sa tumayong judges ay si Ogie na siya umanong nagpatalo sa dalawa. Sa kabila nito, sina Michael V. at Lady Diane ay kinuhang recording artists ng OctoArts.
Si Michael V. ang naging kasagutan ng OctoArts sa sikat na sikat noon na si Andrew E. ng “Humanap ka ng Panget” fame na sinagot naman ni Michael V. ng “Maganda ang Piliin”. This propelled the popularity of Michael V whose screen name is a combination ng dalawa niyang idolo na sina Michael Jackson at Gary Valenciano.
Habang nasa OctoArts pa, sina Ogie at Michael V. ay nagsama sa gag show, ang “TropangTrumpo” ng ABC-5 (now TV5) until their transfer to GMA kung saan nila sinimulan ang “Bubble Gang”. Pagkaraan ng maraming taon, Ogie left GMA7 to move to TV5 then to ABS-CBN.
Sina Michael V. at Manilyn naman ang magkapareha ngayon sa long-running weekly sitcom na “Pepito Manaloto” on GMA.
Bukod sa bumubuo ng “It’s Showtime” sa pangunguna ni Vice Ganda, natuwa ang televiewers sa surprise visit and production numbers nina Michael V. at Manilyn with Ogie bagay na ipinagpasalamat din ng huli.
Ogie’s actual birthday is on August 27. He will be 56 years old.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.