Vice

Video ni Vice sa birthday celebration ni Ogie, viral sa TikTok

August 20, 2023 Vinia Vivar 173 views

Viral ngayon sa TikTok ang video ni Vice Ganda sa birthday celebration ni Ogie Alcasid sa It’s Showtime last Saturday.

Mapapanood sa video ang parteng nag-panic at napasigaw si Vice Ganda nang makita ang birthday cake ni Ogie.

“Ayyyyy!” tili ni Vice, “may icing!!!”

Sabi naman ni Michael V. na guest nang araw na ‘yun, “Relax, relax!”

Pero ayaw pa ring kumalma ni Vice at tinawag ang dyowang si Ion Perez.

“Ion, labas tayo muna, Ion!!! Huwag tayong sumali d’yan!!!!” sigaw ulit ni Meme habang lumalayo sa cake.

Sey naman ni Vhong Navarro, “’Wag kang mag-alala, hindi namin kakainin ang icing!”

Sabi na naman ni Vice, “Ayoko na d’yan!”

Ang mga co-host naman niya ay panay ang sabing “Kalma, kalma!”

Hahaha!

Matatandaan na naging isang malaking kontrobersiya ang isang episode sa It’s Showtime kung saan ay inireklamo ng netizens ang paraan ng pagkain nila ni Ion ng icing ng cake na naging dahilan para ipatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga producer ng noontime show.

AUTHOR PROFILE