
Vice kay Andrea: Ikaw ay brilyante, patuloy kang kikinang
Wala pang pahayag si Andrea Brillantes tungkol sa breakup nila ng basketball player na si Ricci Rivero pero in a way ay parang kinonfirm niya na rin ito.
Nitong Lunes, Independence Day, malaman ang post ni Andrea sa kanyang Instagram account.
Nag-upload siya ng solo photos niya na tila nasa isang hotel at may hawak na wine na tila masayang nagse-celebrate.
“Freedom in mind. Faith in words. Pride in our souls. Happy independence day,” ang kanyang meaningful caption.
That day ay nag-guest din siya sa It’s Showtime at binati rin niya ang sarili ng “Happy Independence Day.”
Makahulugan din ang naging payo ni Vice Ganda kay Andrea sa isang bahagi ng show.
“Andrea, anuman ang nangyari at anuman ang mangyayari huwag mong isipin na ipinagpalit ka. Hindi ka pwedeng ipagpalit dahil nag-iisa ka lang. Wala kang kapalit dahil wala kang kapantay.
Ikaw ay brilyante. Lagi mong tatandaan ikaw ay brilyante at patuloy kang kikinang habangbuhay, hindi ba?” sabi ni Vice kay Andrea.
Hindi na nakapagsalita pa ang aktres at halatang na-touch.
Matatandaan na si Ricci ang unang kumumpirma ng breakup a few days ago sa kanyang Twitter account. Wala siyang sinabing dahilan ng hiwalayan pero hininala ng netizens na nag-cheat ang basketbolista at ipinagpalit umano si Andrea sa isang beauty queen/politician.