Vice

Vice Ganda nanggalaiti sa nagsabing umasa lang sa kanya ermat niya

December 9, 2023 People's Tonight 189 views

NILEKTYURAN ng Box-office Superstar na si Vice Ganda ang isang netizen matapos nitong sabihing umasa lang daw ang ina ng TV host-comedian sa kanya para makaraos sila sa buhay.

Nag-ugat ang diskursong ito sa naging pahayag ng ermat ng aktres na si Andrea Brillantes. Pinagtalunan ng ilang netizens kung tama lang daw bang naging breadwinner ng pamilya ang aktres at iniasa ng magulang sa kanya ang mga responsibilidad.

Dito na napa-comment ang isang netizen na ikinumpara ang sitwasyon ni Andrea sa ibang celebrities. Bukod sa nanay ni Vice, nadawit din ang mga ermat at pangalan ng mga aktres na sina Francine Diaz, Kathryn Bernardo, at Bea Alonzo.

“Hindi ako fanney ni Blythe or kahit sinong artista.. pero kung yan ang punto mo, aba’y isali mo na lahat nang nanay ng mga artista na umasa sa kanila gaya ng nanay ni VICE GANDA, nanay ni FRANCINE, nanay ni KATHRYN B., nanay ni BEA ALONZO, etc. Lahat po sila breadwinner,” saad ng nasabing netizen.

“Ahhhhhhhh excuse me! Never umasa sakin ang Nanay ko,” pahayag naman ng ‘It’s Showtime’ host.

Paliwanag ni Vice ay nagpakahirap bilang OFW ang kanyang Nanay Rosario Viceral para lamang matustusan at makaraos ang kanilang pamilya.

“Nagpakabayani sya sa ibang bansa para magkapagpadala sa amin sa Pinas at makaraos kami. May ipon ang Nanay ko,” wika ng Unkabogable Star.

“Wag mo syang isali sa kung anumang diskusyon nyo!” dagdag pa niya.

AUTHOR PROFILE