Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

December 9, 2023 People's Tonight 174 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4HER pretty smile, a charm that’s versatile, her blush adds warmth to every mile. Kilalanin ang TikTok star na si Niella na talaga namang madadala ka sa kanyang ningning sa nasabing social media platform.

Si Niella Cerbas ay TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong halos 95 thousand followers at higit 320 thousand likes sa kanyang account na may username na @niellacerbas3. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @negilla_c, na mayroon nang halos two thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page ay mayroong higit 17 thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, pagiging fashionista, lip syncing skills, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Bukod sa pagbe-beach at travel, isa ring model at ambassadress si Niella.

Ang pangunahing sandata man ng TikTok star ang kanyang perfect body at beauty ay ‘di maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Niella sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.

AUTHOR PROFILE