Sarah

Sarah, balik-acting sa remake ng classic film ni Daboy

December 9, 2023 Vinia Vivar 329 views

Matapos ang pagsasalita ni Annabelle Rama sa socmed hinggil sa hiwalayang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, ang sumunod namang pinagkaguluhan ng netizens ay ang post ng huli na magbabalik na siya sa showbiz.

Sa bagong post ni Sarah sa Instagram kahapon ay makikita ang larawan ng isang script ng isang proyekto na may titulong Lumuhod Ka sa Lupa mula sa Viva Films.

Sa isang larawan naman ay makikita si Sarah na nag-selfie sa sasakyan na tila sinasabing ready na siya for shooting.

Mukhang nagsimula na siya sa nasabing proyekto.

Caption ng misis ni Chard, “Grateful.”

Nag-post din ang Viva Artists Agency (VAA) ng larawan mga nina Sarah at Kiko Estrada na kuha sa story conference para sa nasabing proyekto.

“LOOK: @sarahlahbati and @kikoestradaofficial at the Story Conference of the adaptation of the classic Rudy Fernandez film, Lumuhod Ka Sa Lupa. SOON on @tv5manila @cignal.tv,” ang caption ng VAA.

Sa isa namang larawan ay makikita ang iba pang cast ng proyekto na apparently ay isang teleserye at kabilang dito sina Joko Diaz, Andrew Muhlach at Mark Anthony Fernandez.

Huling gumawa ng TV series si Sarah noong 2017 na The Promise of Forever although nag-cameo rin siya sa katatapos lang na action serye ni Richard na The Iron Heart sa Kapamilya.

AUTHOR PROFILE