Vice

Vice Ganda, Direk Cathy at Ivana magkakasama SA MMFF 2022

September 1, 2022 Aster Amoyo 263 views

SA buwang ito ng September magsisimula ang filming ng ibang entries para sa 48th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa araw ng Pasko on December 25 at kasama na rito ang muling pagbabalik sa taunang festival ng comedy superstar na si Vice Ganda.

Sa unang pagkakataon ay makakatrabaho ni Vice Ganda ang reigning box office director na si Direk Cathy Garcia-Molina maging ang top female YouTuber and sexy star na si Ivana Alawi sa pelikulang “Partners In Crime” kaya ngayon pa lamang ay inaasahang mangunguna sa takilya ang pelikula.

Direk Cathy is the director of the highest-grossing local film of all time, ang “Hello, Love, Goodbye” na pinagtambalan nina Kathryn Bernardo and Alden Richards na kumita sa takilya ng P880M habang hawak naman ni Vice Ganda ang highest-grossing film sa MMFF sa pamamagitan ng “Fantastica” (2018) na tumabo sa takilya ng halos P600M. Ivana is one of the top Filipino female celebritv Youtubers with almost 16M subscribers.

Vice Ganda, Ivana and Direk Cathy rolled into one is sure box office success!

Ang huling MMFF movie ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda ay ang “M&M: The Mall, The Merrier” na pinagtambalan nila ni Anne Curtis nung 2019 before the pandemic kaya dalawang taon siyang napahinga sa MMFF.

Although nagkasama na sina Vice Ganda at Coco Martin sa dalawang magkahiwalay na MMFF movies, this coming Christmas season ay muling magtatapat ang magkahiwalay nilang pelikula with Coco’s “Labyu with An Accent” kung saan naman niya makakatambal si Jodi Sta. Maria na si Coco rin mismo ang director.

Dahil sa ipinakitang lakas sa takilya ng “Maid In Malacanang” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap under Viva Films na indikasyon ng muling pagbabalik sa mga sinehan ng mga manonood, confident ang mga tao behind the Metro Manila Film Festival na balik ang sigla sa taunang MMFF. Inaasahan din na magsasalpukan sa takilya ang iba’t ibang entries sa pangunguna ng respective entries nina Vice Ganda at Coco Martin.

Ang “Partners in Crime” movie ni Vice Ganda ay joint production ng Star Cinema at Viva Films habang ang “Labyu with An Accent” ay joint venture naman ng ABS-CBN Films and CCM production ni Coco.

Samantala, kamakailan lamang ay nag-initiate si Vice Ganda ng dinner meeting with Direk Cathy Garcia-Molina and her team para magkakilanlan sila sa isa’t isa bago ang pagsisimula ng shooting ng “Partners in Crime.”

Gladys

Gladys komportable na ang buhay sa Amerika

SA loob lamang ng dalawang taon matapos itakbo ng kanyang dating partner ang kinitang pera ng kanyang iba’t ibang Pinoy delicacies na kanyang binalingan sa kasagsagan ng pandemya nung September 2020, singer, actress-comedienne Gladys Guevarra is now comfortably living in the U.S. with her husband (of more than one year) na si Mike Navarette. The couple has just moved in sa kanilang bagong tahanan sa Amerika.

Matapos iwanan si Gladys ng kanyang dating partner tangay ang pera ng kanyang mga customers sa kanyang online business, months later ay nakilala niya ang kanyang husband ngayon na si Mike.

RhenRhen1

Rhen napapansin na ang husay

ANG bawat actor ay nangangarap na mabigyan ng pagkilala at parangal ang kanilang performance either sa telebisyon o pelikula at isa na rito ang Viva actress na si Rhen Escano na hinahangaan sa kanyang performance bilang aktres.

Si Rhen ay isa sa mga dating alaga noon ng yumaong star builder at Master Showman, ang yumaong si German `Kuya Germs’ Moreno along with Sanya Lopez, Ken Chan, Jake Vargas, Michael Pangilinan at marami pang iba.

Rhen made her mark in acting sa kanyang first indie movie in 2016, ang “Si Magdalola at ang mga Gago” na dinirek ni Jules Katanyag.

She was not only daring kundi napakahusay ng kanyang ipinakitang acting in her first lead role in sexy-suspense-thriller movie na “Adan” with former beauty queen Cindy Miranda na dinirek ni Roman Perez, Jr. under Viva Films.

Kinakitaan din si Rhen ng husay sa pag-arte sa mga pelikulang “Untrue,” “Rooftop,” “Paraluman at Lulu”.

Matteo

Matteo nag-train bilang PSG

SINGER, actor, host, triathlete, entrepreneur and army reservist Matteo Guidicelli joined the Class 129 ng Philippine Security Group (PSG) training, isang professional service course kung paano mapu-protekhan ang Pangulo ng bansa at ang kanyang pamilya gayundin din ang VIPs at Head of States na dumadalaw sa Pangulo at sa Pilipinas.

Kasama sa training course ang marksmanship, close-in security, Security Task Action Group, combat, physical fitness at iba pa.

Tiyak na super proud ang misis ni Matteo, ang Philippine Pop Superstar na si Sarah Geronimo dahil sa iba’t ibang achievements in different fields ng kanyang mister.

On February 20, 2022, Sarah and Matteo will celebrate their 3rd wedding anniversary at umaasa ang kanilang mga supporters na kasunod na rito ang pagkakaroon nila ng baby.

Billy napapanood sa apat na TV stations

ANG singer-TV host at occasional actor na si Billy Crawford ay nasa pangangalaga na ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) kaya wala itong exclusive contract with any TV network.

Marami kasi ang nagtataka kung bakit napapanood ngayon si Billy in four different TV networks, ABS-CBN, GMA, TV5 at A2Z.

Si Billy ay isa sa hosts ng daily noontime program ng TV5 na “Laugh Out Loud” (LOL) na produced ng Brightlight Productions ng businessman at dating politician na si Albee Benitez. Ang nasabing programa ay napapanood din ngayon sa Kapamilya Channel ng ABS-CBN dahil sa special arrangement sa pagitan ng ABS-CBN, TV5 at Brightlight Productions.

Napapanood din si Billy sa “On the Wall – Philippines” game show on GMA dahil sa joint venture ng GMA at ng Viva Communications na siyang may hawak hindi lamang kay Billy kundi maging sa local franchise ng game program.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE