
Vhong nakakatulog na nang mahimbing
MASAYANG-masaya ang dancer-turned actor-comedian-host na si Vhong Navarro and his family and supporters dahil sa pagkakabasura ng Supreme Court 3rd Division ng kasong isinampa laban sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo na may kinalaman sa rape at acts of lasciviousness nung 2014.
Kung anuman ang trauma na pinagdaanan ni Vhong ay napalitan ng saya dahil sa wakas ay malilinis ang kanyang pangalan.
Natutuwa rin para kay Vhong ang kanyang “It’s Showtime” family gayundin din ang kanyang manager na si Direk Chito Rono sa tuluyang pagkakabasura ng kaso.
Nakakalungkot pa ring isipin na kahit wala naman siyang kasalanan ayon sa korte, naranasan pa rin niyang makulong at isang karanasan yun na mahirap makalimutan.
Major cast ng ‘Unbreak My Heart,’ umuwi pero umalis din agad
NAKABALIK na sa bansa ang major cast ng breakthrough partnership ng ABS-CBN and GMA with Viu para sa TV series na “Unbreak My Heart” na majority of the scenes ay kinunan sa Switzerland.
Si Joshua Garcia ay agad ding umalis patungong Barcelona, Spain; Milan, Italy at Abu Dhabi along with Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, Zanjoe Marudo at ang singer-comedian-host nasi Eric Nicolas para sa “G! Kapamilya Concert”.
Si Jodi Sta. Maria naman ay nagtungo pa ng Barcelona, Spain at sa Segovia bago bumalik ng Pilipinas.
Sa kabila ng pagod pagdating ng Pilipinas ay agad namang nagbakasyon ang actress at ang kanyang travel buddy, ang 17-year-son nitong si Thirdy (sa kanyang ex-husband na si Pampi Lacson) for a much-needed break in Coron, Palawan.
Ang seryeng “Unbreak My Heart” na magkatulong na dinirek nina Manny Palo at Dolly Dulu ay nakatakdang ipalabas sa GMA and will be streamed in 15 territories outside the Philippines sa pamamagitan ng Viu streaming app.
First time nakatrabaho nina Jodi at Joshua ang Kapuso young star na si Gabbi Garcia habang reunion project naman nina Jodi at Richard Yap ang serye matapos silang unang magtambal in 2012 to 2014 sa pamamagitan ng hit morning TV series na “Be Careful with My Heart.”
Tampok din sa “Unbreak My Heart” sina Sunshine Cruz, Eula Valdez, Gardo Versoza, Laurice Guillen, Jeremiah Lisbo, Victor Neri, Maey Bautista, Will Ashley, Nikki Valdez, Dionne Monsanto, Mark Rivera, PJ Endrinal at iba pa.
Pinoy filmmakers nangangarap makakuha ng Oscar
SA kauna-unahang pagkakataon sa 95 years ng Annual Academy Awards in Hollywood, California, USA ay ngayon lamang nanalo ng seven major awards ang mga Asian actors at director para sa pelikulang “Everything Everywhere All At Once” na siya ring nanalong Best Picture, Best Director ( screenwriters and directors Dan Kwan and Daniel Scheinert), Best Actress (Michelle Yeoh), Best Supporting Actor (Ke Huy Quan), Best Supporting Actress, Best Original Screenplay and Best Editing. They all made history sa nakaraang Oscars na ginanap sa Dolby Theatre in Los Angeles, California last Sunday night hosted by Jimmy Kimmel.
Kung naging controversial ang 2022 Oscars dahil sa ginawang pananampal ng Hollywood actor na si Will Smith sa host ng gabing `yon na si Chris Rock, naging maayos naman ang takbo ng star-studded Academy Awards night nung nakaraang Linggo.
Natutuwa naman ang mga Filipino filmmakers and actors sa tagumpay ng pelikulang “Everything Everywhere All AT Once,” the first Asian film na kinilala sa Oscars.
Pangarap pa rin ng mga Pinoy filmmakers and actors na sana’y dumating ang panahon na makapasok at kilalanin din ang mga pelikulang Pinoy ng Hollywood at ng Academy.
Nalungkot man ang Filipina actress nasi Dolly de Leon na hindi siya na-nominate bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang “Triangle of Sadness,” natutuwa pa rin siya sa tagumpay ng Asian filmmakers and actors sa nakaraang Academy Awards.
EJ at Jana ikakasal na
KAKAIBA ang pre-nup shoot ng engaged couple na sina Ejay Falcon at Jana Roxas dahil ito’y kinunan sa Dubai sa isang desert at sa isang yacht.
The celebrity couple got engaged nung August 21, 2022 sa 32nd birthday ni Jana, barely two months matapos manalong vice-governor ng Mindoro ang actor.
Sina Ejay at Jana ay parehong produkto ng reality-based talent search. Si Ejay ang big winner Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus in 2008 habang si Jana ay nagmula naman sa ikatlong season ng Starstruck nung 2005.
Ikakasal ang dalawa sa March 25 sa Bonifacio Global City.
Direk Erik pinag-iisipan pa ang gagawing pelikula para kay Ate Vi
NAKIPAG-MEETING na si Vilma Santos with business partners na sina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde para sa isang pelikulang gagawin ng Star for All Seasons under Reality Studios.
Gayunman, wala pang detalyeng ibinabahagi ang magkabilang kampo. Narito ang post ni Direk Erik:
“If given a chance to make a movie for @rosavilmasantosrecto, what would it be?
“I’ve been a fan of Ms. Vilma Santos’ Ishmael Bernal marriage twin bill “Relasyon” and “Broken Marriage”. I also loved her in the dark Maryo J movie “Tagos ng Dugo”. But beyond her serious performances, her versatility and range was showcased full on in her sweet and endearing performance in Olive Lamasan’s “In My Life”.
“It has been a dream to make a film for The Vilma Santos.
“Finally, we’ve found something to work on that will, again, show us how great an actress she has always been.
“Looking forward to creating a fresh and memorable character for such an icon like you, Ate Vi.
“Happy that we are all excited for this project. We have lots of time to prepare.
“See you again soon!,” mensahe ni Direk Erik.
Ang gagawing pelikula ni Vi sa Reality Studios ay isa sa tatlong movies na nakatakda niyang gawin this year at kasama na rito ang balik-tambalan nila ng kanyang perennial screen partner na si Christopher de Leon.
Andrea, 20, handa na ba sa mature roles?
GOODBYE na sa pagka-teen-ager ang Kapamilya young star na si Andrea Brillantes matapos itong tumungtong sa edad na 20 last March 12.
Isa nang ganap na dalaga ang young actress, celebrity endorser at vlogger na ang current boyfriend ay ang cager-actor na si Ricci Rivero.
Handa na kaya siyang mag-portray ng mga mature role?
SUBSCRIBE, like, SHARE ang click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.