Vhong

Vhong hindi pinanood ang ‘Showtime’ habang nakakulong

January 17, 2023 Aster Amoyo 385 views

ShowtimeNAGING emotional ang dancer-turned actor-comedian and host na si Vhong Navarro sa kanyang pagbabalik sa “It’s Showtime” last Monday, January 16, 2023 matapos ang ilang buwang pagkawala dahil sa problemang legal na kanyang hinarap.

It was in September 20, 2022 nang sumuko si Vhong sa National Bureau of Investigation matapos mag-issue ng warrant of arrest ang korte sa kanya na may kinalaman sa 2014 dismissed case of rape na inihain laban sa kanya ng dating modelong si Deniece Cornejo.

Matapos ang dalawang buwang pamamalagi sa NBI detention, si Vhong ay inilipat sa Taguig City Jail nung nakaraang November but was out on bail last December 6, 2022.

Paglabas ng kulungan ay inilaan niya ang oras sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Hindi naiwasan ni Vhong at ng kanyang mga kasamahan sa “It’s Showtime” maging ng madlang pipol na mapaiyak sa kanyang pagbabalik sa programa.

In the more than three months na nawala siya sa programa ay hindi umano niya pinaanood ang “It’s Showtime” dahil lalo lamang umano niya mami-miss ang mga kasamahan sa show.

Ngayon, lalo niyang naramdaman ang pagmamahal ng kanyang “It’s Showtime” family at ng mga manonood na hindi tumalikod sa kanya.

Kim at Jerald naghahanda na sa future kahit ‘di pa kasal

KimNAG-ENJOY kami sa romantic-comedy movie na “Girlfriend na Puwede Na” na tinampukan ng reel and real sweethearts na sina Kim Molina at Jerald Napoles kasama si Gab Lagman na dinirek ng writer-filmmaker na si Benedict Mique who first directed Kim in “Momol Nights” nung 2019.

Very successful ang premiere night ng movie na ginanap sa SM Megamall last Monday, January 16 evening at magbubukas sa mga sinehan sa araw na ito ng Miyerkules, January 18. Ito bale ang magsisilbing opening salvo ng Viva Films ngayong 2023.

Mahigit dalawang taon ding hindi napanood ang magkasintahang Kim at Jerald sa pelikula at telebisyon during the pandemic kaya tiyak na sabik silang mapanood ang kanilang supporters.

Magmula nang i-launch si Kim ng Viva sa hit movie na “Jowable” in 2019 at kung saan din nabuo ang kanilang tambalan ni Jerald, lahat ng mga sumunod na pelikula ng dalawa tulad ng “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” na sinulat at dinirek ni Darryl Yap at ang kanilang 2021 movie na “Ikaw at Ako at ang Ending” mula sa panulat at direksyon ni Irene Villamor, there was no stopping the two na pareho ring successful sa kanilang respective solo career bilang singer, actor, host and entrepreneur.

Kim and Jerald have been together as a couple for eight years now.

Kim is 31 at magpu-40 naman si Jerald on his birthday sa March 2.

Hindi ikinakaila ng dalawa na hindi umano perfect ang kanilang relasyon at katulad din sila ng ibang couples na nagkakaroon ng pagtatalo at misunderstanding pero, mahal nila ang isa’t isa pati na rin ang kanilang imperfections.

Kim considers Jerald as her male version and vice versa.

Bilang paghahanda sa kanilang future at magiging kinabukasan ng kanilang anak o mga anak ay nagtayo na rin sila ng negosyo.Very supportive ang dalawa sa isa’t isa pagdating sa kanilang respective careers.

Nanalong Miss Universe proud sa Pinoy roots

GabrielPROUD ang Fil-American na 71st Miss Universe, si R’Bonney Gabriel sa kanyang Filipino roots. At kahit Amerika ang kanyang ni-represent sa naturang pageant, hindi niya nakakalimutan na 50% ng kanyang pagkatao ay Filipino dahil ang kanyang ama ay isang Filipino at American naman ang kanyang ina. Kaya sobra siyang nagpapasalamat sa kanyang Filipino heritage maging sa Filipino community sa Amerika na sumuporta sa kanyang Miss Universe journey.

She’s also happy na nagkakilala at naging magkaibigan sila ng kinatawan ng Pilipinas, ang Fil-Italian na si Celeste Cortesi.

Pops and Martin may blended family

PopsMartinPops1Martin1

BLENDED family na maituturing ang relasyon ngayon ng dating mag-asawang Martin Nievera at Pops Fernandez gayundin ang kanilang mga anak na sina Robin at Ram. Maganda ang kanilang relasyon sa kanilang exes at present gayundin ng kanilang mga anak sa kanilang half-brother na si Santino na anak ni Martin sa ex-girlfriend (at naging cause ng kanilang paghihiwalay ni Pops) na si Katrina Ojeda. At close din ang present partner ni Martin na si Angie del Rosario sa mga ex ni Martin at sa mga anak nito.

Katrina is now engaged sa singer at dating host sa Pilipinas na si Jerome John Hughes na naka-base na rin sa Las Vegas, Nevada.

Kaibigan din nila nina Martin at Pops ang present fiancé ni Katrina na si Jerome. Very close din kay Katrina ang dalawang anak nina Pops at Martin na sina Robin at Ram and there are even times na kay Katrina sila nagi-stay whenever they’re in Las Vegas.

Totoo nga ang kasabihang “Time heals all wounds” dahil nangyari ito mismo sa dating mag-asawang Martin at Pops maging sa kanilang mga anak at kay Katrina mismo na imposibleng mangyari sa ibang tao.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE