Maputi

Unang MMSFF pinag-uusapan at pinagtatalunan

April 3, 2023 Aster Amoyo 237 views

NAGING matagumpay ang Parada ng mga Artista ng kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival na ginanap last Sunday, April 2 sa kahabaan ng Commonwealth Avenue in Quezon City at nagtapos sa Quezon City Memorial Circle. Ito’y nilahukan ng walong official entries na magsisimulang mapanood sa mga sinehan nationwide sa April 8 at magtatapos on April 18, 2023.

Ang Gabi ng Parangal ay nakatakdang ganapin sa New Frontier Theater (also in Quezon City) sa April 11, 2023.

Ang walong official entries ng 1st MMSFF ay ang sumusunod: “Apag” na pinagbibidahan nina Coco Martin, LitoLapid, Jaclyn Jose at Gladys Reyes, isang crime drama na dinirek ni Brillante Mendoza under his own Center Stage Production; ang rom-com movie na “Singlebells” na tinatampukan nina AljurAbrenica, Alex Gonzaga at Angeline Quinto na dinirek ni Fifth Solomon under TinCan Production ni Toni Gonzaga; ang drama thriller na “About Us But Not About Us” na pinagbibidahan nina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas na pinamahalaan ni Jun Robles Lana and jointly produced ng Octoberian Films, The IdeaFirst Company and Quantum Films; ang musical drama movie na “Kahit Maputi Na ang Buhok Ko” na pinagbibidahan nina RK Bagatsing at Meg Imperial na pinamahalaan ni Joven Tan; ang drama movie na “Unravel: A Swiss Side Love Story” na tinatampukan nina Gerald Anderson at Kylie Padilla at dinirek ni RC de los Reyes under Mavx Productions, Inc.; ang comedy movie na “Here Comes the Groom” kung saan tampok sina Enchong Dee, Keempee de Leon, Awra Briguela, Xilhouette, Maris Racal at Kalad Karen napinamahalaan ni Chris Martinez and co-produced ng Quantum Films, CineKo Productions and Brightlight Productions; ang romance drama na “Yung Libro Sa Napanood Ko” na tinatampukan nina Bela Padilla, Yoo Min-gon at Lorna Tolentino mula sa panulat at direksiyon ni Bela who also co-produced the movie with Viva Films and her own production company, ang Whiskey Marmalade Productions at ang romance movie na “Love You Long Time” kung saan tampok sina Carlo Aquino at Eisel Serrano na dinirek ni JP Habac under Studio Three Sixty, Inc.

Ang proceeds ng first Metro Manila Summer Film Festival ay mapupunta sa iba’t ibang beneficiaries ng film industry na kinabibilangan ng Movie Workers Welfare Foundation, Inc., Motion Picture and Anti-Film Piracy Council, Film Development Council of the Philippines at ang Optical Media Board.

Ngayon pa lamang ay pinagtatalunan na ng mga taga-entertainment media kung aling mga pelikula ang papalo nang husto sa takilya at makakapag-uwi ng may pinakamaraming parangal.

Coco better choice than Aljur

CocoKUNG hindi nag-back out si Aljur Abrenica sa pelikulang “Apag” ng premyadong director na si Brillante Mendoza, malamang na dalawa ang kanyang entry sa 1st Metro Manila Summer Film Festival. Although tila kasama sa ruling ng MMFF na hindi allowed ang dalawang pelikula na pinagbibidahan ng isang lead actor or actress.

Bida rin ang ex-husband ni Kylie Padilla sa romantic comedy movie na “Singlebells” kung saan ding tampok sina Alex Gonzaga at Angeline Quinto.

Si Coco Martin ang pumalit kay Aljur sa pelikulang “Apag” which according to many ay better choice.

Gerald handa nang mag-asawa

GeraldSI Gerald Anderson ang may-ari ng isang beach resort in Zambales, ang Hayati Beach Resort. He also owns The Third Floor Gym in Quezon City.

Ang actor ay isa lamangsamga successful celebrities na nag-cross over bilang isang successful entrepreneur.

Alamni Gerald na hindi panghabangbuhay ang kita niya in showbiz bilang actor kaya nag-isip siya ng pangmatagalang investment.

Mahilig si Gerald mag-beach at mag-gym kaya naisipan niyang magtayo ng beach resort at gym na pareho nang kumikita.

Sa pagkakaalam ng marami, halos sabay na nag-invest ng property in Zambales sina Gerald at ex-girlfriend niyangsi Bea Alonzo na sa farm business naman nag-invest.

Kung nanaisin ng actor at army reservist na mag-settle down ngayon ay kayang-kaya niyang buhayin ang kanyang magiging pamilya.

The actor is currently in a relationship with actress Julia Barretto (26) simula pa noong 2019.

Natutuwa ang Kapamilya actor na patuloy siyang pinagkakatiwalaan ng ABS-CBN ng magagandang proyekto sa telebisyon at maging sa pelikula.

Gerald will vie for the Best Actor award for his role in “Unravel” sa kauna-unahang Gabi ng Parangal ng Metro Manila Summer Film Festival sa darating na April 11, 2023 na gaganapin sa New Frontier Theater in Quezon City.

Ronnie isang magandang halimbawa

RonnieVIVA singer, actor, host, pilot at army reservist Ronnie Liang is a perfect example ng taong marunong magpahalaga sa edukasyon.

Hindi siya nagpatinag sa kabila ng kahirapan ng pamilya noon para hindi pahalagahan ang edukasyon. He sent himself through college nang mamasukan siyang crew sa isang kilalang food chain maging sa isang video shop sa kanilang lugar in Angeles, Pampanga para matustusan niya ang pag-aaral sa Holy Angel University in his hometown in Angeles, Pampanga. It was also during this time nang bigyan niya ng oras ang kanyang singing career nang sumali siya sa dalawang magkahiwalay na reality singing competitions, ang “Pinoy Pop Superstrar” ng GMA nung 2005 where he was among the finalists at ang “Pinoy Dream Academy” in 2006 ng ABS-CBN where he landed 2nd runner-up to Yeng Constantino. Hindi man niya nakuha ang grand prize, ito ang naging simula ng kanyang pagpasok sa music scene at kung saan siya nakilala.

Si Ronnie ay bunso sa pitong magkakapatid.

Nung kumikita na siya, he gifted his father ng isang car repair shop at tinulungan din niya ang kanyang mga nakakantandang kapatid.

While active sa kanyang singing, acting and hosting career, binalikan ni Ronnie ang kanyang pag-aaral and took his master’s sa Philippine Christian University na kanyang ipinagpapatuloy ngayon for his PhD degree. He’s taking up Doctor of Philosophy in Development Administration. He is also a licensed private pilot at isang army reservist but his passion for singing and acting will always be in his heart.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE