Bulaga TVJ with Eat Bulaga cast

TVJ may dalawang sunod na panalo

January 8, 2024 Eugene E. Asis 142 views
Paloma
Pepsi Paloma
Coca
Coca Nicolas

TAGUMPAY ang Tito, Viv and Joey o TVJ na maibalik ang titulong ‘Eat Bulaga’ sa kanilang grupo.

Ito ay matapos katigan ng korte ang kanilang claim sa copyrights infringement case na inihain nila laban sa TAPE, Inc. na sa maikling panahon ay nagamit pa ang logo, trademark at pangalan ng show na ‘Eat Bulaga.’

Sabi nga ni Vic Sotto noong January 6 isang araw ,atapos nilang matanggap ang desisyon ng korte: “Sa madaling salita, e, nanalo po tayo.”

At tila hindi lang ito ang kanilang kai-isang panalo dahil pagkatapos nito, lumabas naman ang interbyu ni Julius Babao kay Coca Nicolas sa kanyang Youtube channel.

Sa henerasyon ngayon, marami na ang hindi nakakakilala kay Coca. Isa siya sa tinaguriang Softdrink Beauties na alaga noon ng kontrobersyal na talent manager na si Dr. Rey de la Cruz. Siya ay isa sa mga kaibigang matalik ng namayapang si Pepsi Paloma na nasangkot naman sa Tito, Vic and Joey controversy. Diumano, naging biktima si Pepsi ng rape na kinasasangkutan ng tatlo, kasama ng komedyanteng si Richie D’Horsie na namayapa na rin.

Sa panayam ni Julius kay Coca, maliwanag na sinabi nitong “Hindi totoo yun.” Ani Coca, bahagi lamang ito ng isang publicity stunt na ginawa ni Dr. Rey para pasikatin ang kanyang mga alaga.

Kaya naman, kung tutuusin, doble ang panalo ngayon ng TVJ (bagama’t matagal nang natapos ang kasong rape laban sa tatlo) kaya mas magiging mas masaya ang programa ng tatlo ngayong 2024.

Samantala, may ilang nagsasabi na ‘nakakalungkot’ (sa halip na ibinabadya nito) ang ipinalit na titulo ng noontime show ng TAPE sa GMA7.

Wala raw kadating-dating, ayon pa sa iba. Well, tingnan natin kung magiging ‘pinakamasayang tahanan’ ang programa nila sa mga darating na araw, o maisipan nilang magpalit pa ng mas aangkop dito.

Diego like father like son?

Diego
Diego Loyzaga with Alexi Suapengco

NAKAKALUNGKOT naman kung totoong pinaalis ni Diego Loyzaga sa kanyang bahay ang kanyang mag-ina.

Balitang may bago nang karelasyon ang aktor, kaya naman sinabihan niya si Alexis Suapengco kailangan na nilang mag-evacuate ng kanilang anak. Ang mas nakalulungkot pa, sinabi ni Alexis na may kasamang pagbabanta ang mga salita ni Diego, na kung hindi tatanggalin ni Alexis ang kanyang Instagram post tungkol dito ay tatanggalin din nito ang sustento sa kanilang anak na si Hailey.

May nabanggit na pangalang na iniuugnay ngayon kay Diego. Camille Schnell, at sa tunog nito ay tila mestiza rin ito. Well, this is interesting. It’s like looking at the mirror and seeing the lovelife of his father, Cesar Montano.

AUTHOR PROFILE