TVJ

TVJ, mangiyak-ngiyak sa desisyon ng IPO

December 6, 2023 Jun Nardo 138 views

MANGIYAK-NGIYAK sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa live video sa Facebook page ng TVJ kahapon bilang reaksyon sa pagpabor ng Intellectual Property Office (IPO) sa trademark registration ng Eat Bulaga.

Ayon sa desisyon ng IPO, ang TVJ ang original owner ng Eat Bulaga at hindi ang dating producer nito na TAPE, Inc.

Kumbaga, Eat Bulaga is TVJ and TVJ is Eat Bulaga.

Tumanggi si Vic na gamitin ang terminong “vindicated” sa pagkapanalo sa kaso. Mas importante para sa kanya ang salitang “respeto” dahil iyon ang ipinakita nila sa TAPE, Inc. habang umaandar ang laban sa korte.

Of course, ang umapela ang maaaring susunod na hakbang ng TAPE, Inc. ‘Yan ang proseso na maaaring gawin ng TAPE, ayon sa lawyer nina TVJ.

Hindi pa umeere ang E.A.T. ng TV5 as of this writing at hindi naman kami invited sa mediacon para sa TVJ pero with our editor, alam naming magiging updated kayo sa reports.

Sa naglabasang pictures ng legit Dabarkads sa social media, dama sa abot-tenga nilang ngiti ang kaligayahan.

Hindi nga lang nagtatapos sa desisyon ng IPO ang giyera ng TVJ at TAPE, Inc. para sa Eat Bulaga.

AUTHOR PROFILE