
Toni Fowler pinaiyak ng anak
MALUHA-LUHA ang social media personality na si Toni Fowler matapos mabasa ang mensahe ng kanyang anak sa kung ano ang gusto nitong matanggap ngayong Pasko.
Sa isang post, ipinakita ni Toni kung ang sweet moment niya sa kanyang anak at upang ipakita rin na hindi materialistic ang kanyang anak.
Sinabi kasi ni Toni sa anak na isulat sa isang papel ang Christmas wish nito. Aniya, “Anak sulat mo dito sa paper mo wishlist mo ngayong pasko para mabili namin ng ToRo Family.”
“Wala po. Kahit ano po kasi grateful na po ako sa inyo,” sagot naman ng kanyang anak.
“Grabe to,” maikling sagot ni Toni na tumunaw ng kanyang puso.