Alden

ALDEN, INAABANGAN SA ‘E.A.T.’

December 6, 2023 Jun Nardo 173 views

MATAPOS mag-guest sa It’s Showtime to promote his filmfest movie na Family of Two with Sharon Cineta, hinihintay na rin si Alden Richards kung magge-guest siya sa E.A.T. ng Tito, Vic and Joey.

Naipaliwanag naman ni Alden na kahit contract star siya ng GMA/Sparkle, basta sa promotions ng movie, eh, baka payagan siyang lumabas sa TV5.

Of course, malaki ang naitulong ng TVJ kay Alden upang lalong tumingkad ang pangalan niya dahil sa AlDub loveteam gawa ng Kalye Serye nila ni Maine Mendoza.

Of course, that’s another story kung papayagan ng GMA si Alden mag-guest sa TV5 at TVJ lalo na’t nakapag-guest na ang co-star niyang si Sharon Cuneta sa show.

AUTHOR PROFILE