Paolo

TAPE, Inc., iaapela ang kaso: Mahaba pa po ang laban — Paolo

December 6, 2023 Vinia Vivar 136 views

Nagbigay ng pahayag ang isa sa hosts ng Eat Bulaga ng GMA-7 na si Paolo Contis matapos kanselahin ng Intellectual Property Office of the Philippines ang trademark registration ng Television and Production Exponents, Inc. (TAPE), producer ng said noontime show.

Sa live broadcast ng EB kahapon ay sinabi ng aktor na hindi pa tapos ang laban.

“Mahaba pa po ang laban. Ibig sabihin legally, wala pang final, okay?” simula ni Paolo.

“Pero ito lang po ang pangako namin. Anuman ang mangyari, ang sinimulan po namin na tulong at saya ay itutuloy namin araw-araw dahil ‘yun naman po ang dahilan kung bakit kami

pumapasok araw-araw. Kayo po ang dahilan kaya nandito kami,” ang mensane pa ni Paolo sa manonood.

Bago ito ay nagbigay na rin ng pahayag ang abogado ng TAPE, Inc. na iaapela nila ang desisyon ng IPO na kinansela ang Eat Bulaga trademark registration.

AUTHOR PROFILE