Madrona

Turismo malaki ang maitutulong sa ekonomiya — Madrona

October 14, 2023 Mar Rodriguez 249 views

MULING binigyang-diin ni Romblon lone district Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, chairman ng House Committee on Tourism, ang mahalagang papel na ginagampanan ng Philippine tourism para sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa, partikular na ang pagpapakilala sa Pilipinas bilang “world class tourism destination.”

Ayon kay Madrona, dapat makita ng mga Pilipino ang mahalagang papel na ginagampanan ng Philippine tourism para unti-unting makabagon ang ekonomiya mula sa krisis sa nakalipas na panahon.

Iginiit ni Madrona na ang turismo ng bansa ang isa sa mga sinandalan ng gobyerno at nagbigay ng napakalaking kontribusyon para sa tinatawag na “economic development” bunsod ng pagdagsa ng mga dayuhan sa Pilipinas.

Ganito rin ang naging pananaw ni Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco, na nagsabing ang Philippine tourism ang isa sa mga priority programs ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.

Dahil dito, muling ipinahayag ni Madrona na mismong si Pangulong Marcos, Jr. na ang nakakakita sa kahalagahan ng Philippine tourism bilang isa sa mga itinuturing na “economic backbone” ng gobyerno.

AUTHOR PROFILE