Tragedy TRAGEDY – Ang tricycle na sinuyod ng pampasaherong jeep na bumangga pa sa nakaparadang owner-type jeep sa highway ng Poblacion 2, Nagcarlan, Laguna.

TRIKE, E-BIKE INARARO NG JEEP, 2 DEDO

January 20, 2024 Gil Aman 182 views

DALAWA ang patay at dalawa pa ang malubhang nasugatan matapos suyurin ng jeep ang tricycle at e-bike noong Biyernes sa Barangay Poblacion 2, Nagcarlan, Laguna.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Henry Auijie, 45, ng Bgy. Poblacion 2 at Sandra Margarette Arevalo, 2, ng Bgy. Buboy, kapuwa residente ng Nagcarlan.

Nasugatan naman sina Trisha Mae Albor, 22, ng Bgy. Tuy, Rizal, Laguna, at Bryle Kristof Pesidas, 13, ng Bgy. Poblacion 3, Nagcarlan.

Isinugod sa Nagcarlan District Hospital at San Pablo Medical Hospital ang mga nasugatan.

Sa report ni Police Major Paul Raymundo Ayon, hepe ng Nagcarlan police, kay Laguna Police Provincial Office director P/Col. Harold Depositar, naganap ang aksidente dakong alas-5:30 ng hapon.

Base sa imbestigasyon ng traffic police, mabilis ang takbo ng jeep na minamaneho ni Dario Baldivia, 50, ng Bgy. Taytay, Nagcarlan, nang mawalan ito ng preno hanggang sa sinuyod nito ang tricycle at e-bike na sinasakyan ng mga namatay at nasugatang biktima.

AUTHOR PROFILE