Crime

Tiyuhin tigok sa pamangkin

February 7, 2024 Melnie Ragasa-limena 94 views

PATAY ang isang lalaki at sugatan ang isa niyang kamag-anak nang pagbabarilin diumano ng kanilang pamangkin dahil sa hindi pagkakaunawaan sa Quezon City noong Martes.

Dead-on-the-spot si alyas Samsudin, 40, ng Tarlac, at sugatan si alyas Macaraub, 55, ng Maguindanao at perehong nakatira sa Quezon City.

Nakatakas ang suspek na si alyas Kasan, 37, ng Maguindanao.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-5:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa tahanan ng mga biktima at suspek.

Batay sa imbestigasyon nina PCpl Benito Catungal Jr. at PCpl Reymark Allam, bago ang insidente narinig ng mga kapitbahay na nagsisigawan ang mga biktima at suspek.

Maya-maya pa nakita na sila sa labas ng bahay na nag-papambuno sa baril hanggang sa paputukan ng suspek ang mga biktima.

Namatay noon din ang biktima dahil sa mga tama ng bala ng cal. 9mm habang isinugod sa East Avenue Medical Center ang sugatan.