Default Thumbnail

Tix sales ng 2023 MMFF sa 1st day, mas mabenta kaysa 2022

December 29, 2023 People's Tonight 200 views

ANG Metro Manila Film Festival (MMFF) ay nag-ulat ng malaking pagtaas sa benta ng tiket sa unang araw ng pagpapalabas ng 10 na mga entry ng pelikula kumpara noong Disyembre ng nakaraang taon.

Ngunit kahit pa mayroong pagtaas ng benta ng mga ticket, ayon kay Don Artes, chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at kasalukuyang chairman ng MMFF, ay hindi nila ilalabas ang kabuuang kita mula sa tiket.

Ito ay upang makatulong pigilan ang anumang trend na maaaring mag-udyok sa mga manonood na suportahan ang ilang pelikula nang sa ganoon ay mawalan ng pansin ang ibang entries.

“The MMFF does not release or publish any kind of rankings or earnings of each film in order to prevent trends that could influence or impact moviegoers’ decisions,” ani Artes.

Dagdag pa ni Artes, ang MMFF ay umaasa na magbigay ng pantay na pansin, spotlight, at suporta mula sa mga manonood sa buong bansa para sa bawat isa sa sampung pelikula na kasali sa taunang festival ngayong taon.

Nagpasalamat din ang chairman sa mga manonood sa pag-suporta sa locally produced na mga pelikula. Ayon sa kanya, ipinapakita ito sa mahabang pila sa mga sinehan simula pa noong Disyembre 25, unang araw ng festival ngayong taon.

Aniya, ipinapakita nito na ang lahat ng sampung entries ay de-kalidad at nakakaakit. “Indeed, the MMFF 2023 is very much alive and the enthusiasm of the moviegoers has returned.”

Hinimok rin niya ang publiko na huwag maniwala sa mga pubmat na makikita sa social media na laman ang umano’y ticket sales ng bawat pelikula. Aniya, “fake news” ang mga ito.

AUTHOR PROFILE