Tingog

TINGOG NANGUNA SA SURVEY

March 31, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 272 views

Tingog1Ng top performing party-lists; Tingog nagpasalamat sa suporta

NAGPAHAYAG ng taus-pusong pasasalamat sina Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre sa suportang ipinakita sa kanila ng publiko, matapos na manguna sa top performing party-list survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Sa nationwide survey na isinagawa mula Pebrero 25 hanggang Marso 8, nakakuha ang Tingog party-list ng 93.5 percent. Pumangalawa naman ang ACT-CIS (89.4 percent), na sinundan ng Agimat PL (88.6 percent). Ang Ako Bicol ay nakapagtala naman ng 85.1 percent.

“We are humbly thankful for this honor. With all humility, we thank all those who believed in us. Rest assured that this recognition from our endeared constituency will only motivate us further to work harder for the welfare of our people and our nation,” sabi ni Rep. Romualdez, may-bahay ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at kasalukuyang chairperson ng House Committee on Accounts.

Kasabay ng kanyang pasasalamat, sinabi ni Rep. Romualdez na gagamitin nito ang resulta ng survey upang mas mapaganda pa ang serbisyong hatid nito sa publiko.

Ang Tingog ay itinayo matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda noong 2013 upang matugunan ang mga pangangailangan ng taumbayan.

“As a party-list group that was borne out of the worst calamity ever to hit our country, our passion for helping others runs very deep in the people that make up our organization. Kaya naman natutuwa kami na nagbubunga ang aming pagsisikap na makatulong sa ating mga kababayan,” sabi ni Rep. Romualdez.

Pinuri rin ni Rep. Romualdez ang iba pang party-list group sa Kamara sa kanilang pagsusumikap na mapaganda ang estado ng pamumuhay ng mga Pilipino.

“This is not a competition. Magkatuwang tayong lahat para sa ikabubuti ng ating bayan at ng mamamayan,” dagdag pa ni Rep. Romualdez.

AUTHOR PROFILE