Tiktok3

TIKTOK STAR OF THE DAY

October 16, 2023 People's Tonight 381 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok4SHE’S got the swag and skin so clear, she’s the Cebuana TikTok star everyone wants near. Ang digital creator na ito ay tila hindi papakabog pagdating sa pagpukaw ng atensyon ng netizens dahil sa angkin niyang kinang.

Si Francis Claire Repollo o mas kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Claire” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong 118.1 thousand followers at 841.5 thousand likes sa kanyang account na may username na @claire.repollo12. Bukod pa rito, sinusubay-bayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @claire.repollo, na mayroon nang 113 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page na Claire Repollo ay mayroong higit 17 thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, lip syncing skills, lifestyle contents, at higit sa lahat ang kanyang husay sa paggiling, sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Kasalukuyang senior high school student si Claire na nag-aaral sa University of Cebu. Bukod sa pag-aaral, may i;alang ine-endorse na produkto si Claire mula sa mga affiliate brands sa TikTok.

Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Claire sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.

AUTHOR PROFILE