
TIKTOK STAR OF THE DAY
KUNG may santong dapat dasalan bago matukso, baka si Akira Ahri na ‘yon! Sa kanyang TikTok na punong-puno ng nakakapanindig-balahibong confidence, hindi mo alam kung nagkakasala ka o bigla kang naniniwala sa himala dahil sa bawat galaw niya, parang may sariling gravity na humihila sa ‘yo.
Ang content niya? Pamatay! Ang bawat tingin, indak, at malupit na paalog moves ay parang kombinasyon ng lambing at landi — walang sobra, walang kulang, sakto lang para mapa-wow ka at mapahawak sa dibdib… ng nanlalamig mong puso!
Thirstrap? Hindi lang basta pain, buong panghapunan na! Sa 5.8M likes at daan-daang libong tagasunod, isa lang ang sigurado — hindi ka lalabas sa TikTok niya nang hindi natutuyuan ng laway!
Kaya kung handa kang magpabihag sa isang reyna ng tukso, pasok ka na sa kanyang mundo pero tandaan, walang ligtas sa alindog ni Ahri: @ahrifromheaven.