
TIKTOK STAR OF THE DAY
TALAGANG sisipaging mag-scroll ang sino mang mapapadpad sa kanyang account dahil sa contents niyang tila hipnotismo para sa halos 120 thousand niyang followers.
Nakakaadik nga ang karisma sa mga videos ng TikTok star na si Nichole Coderos Tulo sa kanyang account na @nichole_ct123 sa nasabing video-sharing app.
Dinudumog ng likes, shares, at libo-libong views ang kanyang mga paggiling sa dance challenges. May ningning ang kanyang mga kindat sa pag-awra niya habang ibinabandera ang beauty sa mga videos.
Sa kanya ngang Instagram page na @amore.nichole, takaw-pansin ang pasabog selfies at kaseksihan niya.
Pasabog ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. Kaya nga hindi siya inaayawan ng mga followers niyang kalalakihan.
Hindi lang kaseksihan ang kayang ipakita ni Nichole, may taglay rin siyang elegance na nakaka-wow at tamang timpla sa kanyang personality.