Tiktok1

TIKTOK STAR OF THE DAY

March 5, 2025 People's Tonight 228 views

TiktokTiktok2Tiktok3Tiktok4Tiktok5Kung may kakumpitensya ang kape sa pagpapaalab ng diwa tuwing umaga, si Angelu Sangalang na ‘yon! Hindi lang siya basta-basta TikTok queen dahil siya ay reyna ng halong landi at katatawanan.

Sa bawat skit niya, hindi mo alam kung matutulala ka sa kanyang alindog o mapapahalakhak sa kanyang punchlines. Isa lang ang sigurado: bawal ang mahina ang resistensya!

Sa 4.6M followers at 132.4M likes niya sa TikTok na @angeluusangalang, walang dudang master na siya sa pagpapakilig at pagpapatawa isang bihirang kombinasyon na hindi lang basta nakakagising, kundi nakakabuhay ng diwa! Isang pa-cute, isang kindat, at isang birit ng joke niya, tapos ka na.

Kaya kung gusto mong maging masaya habang natutunaw sa kanyang charm, sumali na sa kanyang kaharian ng good vibes.

AUTHOR PROFILE